Advertisers
Bagama’t marami naging problema ang Gilas Pilipinas para makamit ang ginto sa 33rd SEA Games ay may mga positibong ring mga pangyayarig naganap sa koponan.
Noong huling pitak ay ikinuwento ni Norman Black ang pakikipag-usap mi Robert Bolick sa kanila at ang pangakong maglalaro siya nang husto at buong katapatan para sa bansa.
Nabanggit din sa atin ni Coach Black na mapalad siya na ang ilang kasapi sa team ay malapit sa kanya.
Kung hindi naging player sa Ateneo noon ay inaanak naman niya ang kalahati sa kasapi.
Sina Poy Erram, Justin Chua at Von Pessumal ay kasama niya sa kanilang 5-peat sa Blue Eagles.
Inaanak naman niya at anak ng kanyang matalik na kaibigan si Bobby Ray Parks. Siya rin nagdala dito sa Pinas kay Parks Sr. Ninong din siya ng mga magulang at utol ni Thirdy Ravena. Si Chua at asawa nito ay sponsor naman siya sa kasal.
Sa coaching staff ay mga dati ring mga kasama sa ADMU sina Sandy Arespacochaga at Bacon Austria.
Mabuti at libre sila lahat upang maging miembro ng national squad sa Bangkok.
Pagkapanalo nila ng gold ay nag-dinner sila sa isang resto ng mall 8ng buong team kasabay ang ating women’s squad na nagwagi rin ng ginto
Sa episode na eere sa Lunes sa DWBL 1242 khz, YouTube at Facebook ay inilahad din ni Norman ang mga highlight at sidelight ng kanilang apat na game.
Gaya ng inaasahan ay ang pinakamalalakas na koponan ng grupo ni Ramon S. Ang at ng tropa ni Manny V. Pangilinan ang maghaharap sa Finals ng PBA. TNT vs SMB na nga sa dulo. Kanino kayo?
Kung may maugong na usapan hinggil sa napipintong pagbebenta ng prangkisa ng Magnolia ni RSA ay susunod na ba rito ang paglagay ng isa ring team ni MVP sa mercado? NLEX ba?
Kasi kung walang parehas na hakbang si Pangil8han ay baka mangahulugan na sila ang kokontrol sa liga
***
Kahapon naging espesyal na mga bisita natin sina Coach Ana Santiago at pitcher Royenel Palma ng RP Blu Girls sa ating programa sa radyo.
Sa Sabado ay isusulat din natin dito ang kanilang istorya ng tagumpay.
Ginto rin ang naiuwi ng ating pambansang koponan sa women’s softball.
Hatid sa atin ang OKS ng Biofresh anti-microbial socks at underwears.