Advertisers
Naaresto ng Caloocan City Police Station (CCPS) ang 25 – anyos na.lalaki sa paglabag sa Section 11, Article II of Republic Act 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 131, Miyerkoles ng umaga.
Sa ulat kay Northern Police District Director PBGen.Christopher Dela Cruz ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na pinamumunuan ni PCol. Joey Goforth, sa koordinasyon ng PDEA, ala-1:22 ng madaling araw nang masakote ang suspek sa Barangay 131 Caloocan City.
Nakumpiska sa suspek ang kalahating brick ng marijuana na tumitimbang ng 500 grams, na nagkakahalaga ng P60,000.00, isang plastic na naglalaman ng high-grade marijuana (Kush) na 24.54 grams ang timbang at isang small heat-sealed transparent plastic sachet na.may lamang Kush na may timbang na 0.71 grams, na tinatayang may street drug price na P37,875.00, sling bag at buy-bust money.
Ang ikalawang suspek naman, isang lalaking High-Value Individual, na hindi naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of R.A. 9165 samantalang sasampahan ang naarestong suspek ng kasong paglabag sa Section 11 of R.A. 9165, at hiwalay na kasong paglabag sa Sections 5 at 11 laban at-large na suspect.(Beth Samson)