Advertisers
Nasamsam ng mga tauhan ng 2nd Infantry Division ng AFP ang sako-sakong droga sa inabandonang speedboat sacoastal area ng Occidental Mindoro.
Ayon kay 2nd ID Commander Cerilo Balaoro Jr., Marso 10, 2026 na inisyal na imbestigasyon karga sa nabaurang speedboat sa Brgy., Harrison, Paluan, ng nabanggit na lalawigan.
hNang suriin ito ng mga CAA personnel at 76th Infantry (Victeix) Battalion ng 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade ang impormasyon mula sa conzern citizen.
Ito’y kaugnay sa a nasabing isang speedboat ang nasiraan at sumadsad sa dalampasigan sa Sitio Agbalite.
Narekober ng tropa ang 43 sako ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.
Bukod dito,narekober din sa speedboat ang isang Starlink communication device, 8 hand flares (bengala), 3 fire extinguishers, 4 na baterya, 2 jacket at 2 lifebuoys.
Sa inisyal na pagsusuri tinatayang aabot sa halagang P6.8 bilyon ang nasamsam na shabu. (Edwin Moreno)