Advertisers

Advertisers

PROBLEMA NI MISFIT SARA ANG BANK RECORD

0 40

Advertisers

MALAKING problema kung paano pipigilan ni Misfit Sara ang pagbusisi ng House Committee on Justice sa kanyang mga bank record. Alam ng Misfit kung mabubunyag ang kanyang mga ipinagkakatagong lihim sa pananalapi kapag inilantad ang kanyang bank record.

Maaaring malusutan ni Misfit ang ibig paratang tulad ng pandarambong sa P612 milyon ng confidential funds, pagbabanta sa buhay ni BBM, First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating ispiker Martin Romualdez, panunuhol sa ilang opisyales ng Deped, pakikilahok sa madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi, at pagtanggi na kilalanin ang kapangyarihan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa pambansang budget.

Mahirap itanggi ang pagkakaiba ng mga bank record sa Statement of Assets, Liability, and Networth (SALN) ni Misfit Sara kung paghahambingin ang mga ito ng mga mambabatas na kasapi sa Committee on Justice na pinamumunuan ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas. Mabibisto kung may hindi maipaliwanag na lihim na yaman si Misfit Sara sa sandaling isumite at isapubliko ng mga bangko ang record ni Misfit.

Ito ang dahilan kung bakit gagawin ni Misfit Sdara ang lahat upang pigilan ang pagsumite ng mga bank record. Ito ang dahilang kung bakit hindi namin nakikita si Misfit na dadalo sa nakatakdang pagdinig ng komite ni Luistro sa ika-25 ng Marso at susunod na pagdinig. Ang bank record ang kahinaan ni Misfit.

Samantala, walang matinong sagot ang kampo ni Misfit sa proseso na isinulong sa komite ni Luistro. Mistulang motion to dismiss ang ibinigay na sagot kahit malinaw sa Rules of Impeachment ng Kapulungan na kailangan sagutin ang mga paratang. Ito ang dahilan kung bakit inaprubahan ng komite ang panukala na may sapat na batayan (sufficient ground) ang mga impeachment complaint.

“The complaints suffer from a fundamental defect, They are built on conclusions, speculations, conjectures, and narratives that are not anchored on ultimate facts required under the Constitution and the Rules,” ani Michael Poa, isa na mga manananggol ni Misfit Sara na nagsisilbing tagapagsalita ng kanyang kampo.

“The complaints contain accusation in search of evidence instead of evidence in support of accusation,” aniya kahit nilinaw ni Deputy Speaker Paolo Ortge V ng La Union na pawang teknikalidad ang sagot ni Misfit sa desisyon ng komite na sapat sa anyo at laman (form and substance) ang dalawa sa apat na impeachment complaint laban sa kanya.

***

SA GITNA ng pagtindi ng malawakang pagdarahop na ibubunga ng madugong digmaan sa Gitnang Silangan, minabuti ni Kin. Jude Acidre ng Tingog Party List na ipanukala ang agarang pag-alis ng reconnection fee na ipinapataw ng mga kumpanya sa utilities tulad ng kuryente, tubig, Internet at telecommunications, at iba pa.

Isinumite ni Acidre ang House Bill No. 8706, o“No Reconnection Fee Act,” na nagpanukala na alisin ang anumang reconnection fee sa sandaling nabayaran ng sinumang kliyente ang utang na naging dahilan ng pagputol ng serbisyo. Idinahilan ni Acidre ang kahirapan ng ibinunga ng pagtaas ng mga halaga ng bilihan kaugnayan sa digmaan sa Gitnang Silangan.

Kasama ni Acidre bilang isponsor o tagasulong ng panukalang batas ang ibang mambabatas ng Tingog Party List tulad ni dating ispiker Kin. Martin Romualdez ng Leyte, at Kin. Yedda Marie Romualdez at Kin. Andrew Julian Romualdez ng Tingog.

“The filing comes as continued volatility in global oil markets feeds into higher domestic fuel prices, with downstream effects increasingly reflected in electricity rates and the cost of operating other essential services, ani Acidre.

“As fuel prices move, the impact is felt across the delivery of basic utilities,” aniya. “Households experience this not only in transportation, but in the cost of electricity, water, and connectivity.”

Dagdag niya: “Once an account has been settled, the priority should be restoring access. Additional charges at that stage can delay reconnection, particularly for households already under financial strain.”

Sa ilalim ng panukalang batas, ipagbabawal ang paniningil ng anumang reconnection fee sa mga accounts na naputol ang serbisyo dahil sa kabiguan bayaran ang mga utang at interes. Ngunit mananatiling epektibo ang mga batas laban sa fraud, illegal use, at safety-related disconnections will remain in effect.

***

MGA PILING SALITA: “If their position is not to participate, then that is tantamount to saying na mata-transmit talaga ito sa Senate because unrebutted ang evidence ng complainant. That’s why it’s important for the Vice President to avail of this opportunity in the hearing proper to present her evidence. Otherwise, the evidence of the complainant will appear to be unrebutted, hindi na questioned, hindi na countered, ‘di ba?” – Kin. Jinky Luistro

“What is important, we are giving her the opportunity. Whether she attends or not, it will be her choice. It will be her decision. Ang importante for the Justice Committee, we afforded her the right to due process.“ – Kin. Jinky Luistro