Advertisers

Advertisers

Kim bitbit ni Paulo sa Paris

0 6

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

May tsikang nasa Paris din si Kim Chiu kung saan nagsho-shooting ng movie sina Paulo Avelino at Nadine Lustre.

Ayon pa sa isang nag-ispluk, sighted daw ang chinita princess sa lugar na malapit sa location ng movie na ginagawa nina Paulo at Nadine.

Dahil dito, nagsanga-sanga ang mga dila ng mga katkatera at sawsawera sa development na ito.

May mga nang-iintriga tuloy na binabantayan umano ni Kim ang “The Alibi” leading man niya.

May mga nag-iisyu namang binitibit ni Pau si Kim kahit pa may paliwanag na may sariling lakad si Kim.

Ito ang ilang hirit ng kibitzers.

“Binabantayan ni Kim si Paulo.”
“Baka naman nagkataon lang.”
“May sariling ganap din si Kim sa Paris.”
“Parang sila naman na talaga matagal na.
“Private but not secret! Mukhang may nag-alaga kay Paulo sa Paris while shooting a film, at ang Kimmy naman ay sobrang happy and at peace ng aura! dasurv niyo”