Advertisers

Advertisers

Kampanya laban sa child labor, pinaigting ng DOLE

0 2

Advertisers

Pinaigting ng pamahalaan ang kampanya laban sa child labor sa pamamagitan ng Philippine Program Against Child Labor (PPACL).

Layunin nito na wakasan ang sapilitang pagtatrabaho ng mga bata, na madalas dulot ng kahirapan, at tiyaking sila ay may akses sa edukasyon, proteksyong panlipunan, at pangkabuhayan para sa kanilang mga pamilya.

Sa pagitan ng 2022 at 2024, bumaba ang bilang ng mga batang manggagawa mula 828,000 sa 509,000, at mahigit 232,000 bata ang nailayo sa child labor.

Sa ilalim ng Project Angel Tree, mahigit 59,000 kabataan ang nakatanggap ng pagkain, damit, at gamit pang-edukasyon mula sa mga donor.

Bukod dito, mahigit 47,000 magulang ang nabigyan ng kabuhayan starter kits upang mapalakas ang kita ng pamilya at mapigilan ang pagbabalik ng kanilang mga anak sa mapanganib na trabaho.

Ang DOLE, kasama ang iba’t ibang sektor, ay patuloy na nire-review ang mga estratehiya ng PPACL upang mas marami pang komunidad ang maabot.

Binibigyang-diin ang pakikipagtulungan ng gobyerno, civil society, at international partners, habang sinisigurado ang pagsunod sa batas laban sa child labor at paglikha ng sustainable na solusyon. (Jocelyn Domenden)