Advertisers
Ang sabi nga ng kaisa-isang pinakabata at kinagigiliwang Mayor Vico Sotto ng syudad ng Pasig — sino nga ba ang mga ito na ipinagmamalaki at ipinagngangalandakang ala-bayani raw ang dating ng mga fool.eat.tick.oh na sila raw ang mga “magliligtas o magaangat” sa kabuhayan ng mga mamamayang Pinoy itong nalalapit na 2028 halalan? Hindi kaya ang mga “kamay at anino sa likod” ng mga fake o photo-shopped news o blogs/vlogs ay ang mga tinaguriang trolls na may sari-sariling amo na siyang maestro ng kung ano ang palakad at “labas na ganap” para sa kanilang bata o “kabayo” sa darating na “karera” o eleksyon sa 2028? Sadyang di mapagtanto ng batang Mayor ng Pasig City ang mga palabas ng mga ito samantalang mahigit isang taon pa para sa halalang nasyunal!?
Isa pa ring palabas ng kung sino ang umano’y mga leading Presidential Aspirants daw at inilabas ito kung di ako nagkakamali sa mga leading broadsheets at sa socmed…isa nga sa mga naglathala ay ang Phil Star na umano’y bandera si Sara at me apat pang di kapanipaniwala o sa hinuha ng isang matinong tao… ay suntok sa buwan ang 4 pang leading contenders daw for presidency??? Aba, kung ako nga tatanungin..ano ba ang nagawa ng mga hunghang na yun at me gana pang tumakbong Pangulo ng bansa? Hindi ko kinukwestiyun ang perang pangkampanya niya—public knowledge naman na di sa kanilang pawis ang pinagmulan ng sandamakmak na pera sa lukbutan nila ….e sabi nga ni Steve Harvey — only politicians get reach because they steal people’s money!
At kung sino ang may pakana ng mga mind-conditioning propaganda na ito ay iisa siguro ang nasa sa isip natin mga Koyang at ng butihing Mayor Vico Sotto: ang di mabuwag na Troll Farm ng mga hidhid at swapang na fool.eat.tick.O. Sila ang mga kapural ng Fake News at Disinformation na ngayo’y pinagsisikapang tuldukan ng Malacanang !