Advertisers

Advertisers

Tuloy ang ‘bloodbath’ sa Abril 14

0 14

Advertisers

INAKSIYUNAN ng Korte Suprema ang petisyon nina Vice President Sara Duterte kaugnay ng ongoing impeachment “mini-trial” sa Kamara partikular sa House Justice Committee.

Pero Hindi nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Kataas-taasang Hukuman, sa halip ay binigyan nito ng sampung araw ang Kamara para sagutin ang inihaing petisyon ng kampo ng pangalawang pangulo.

Dahil walang TRO, tuloy ang “bloodbath” sa Abril 14, kungsaan kinumpirmang dadalo sina Ombudsman “Boying” Remulla, dating “bagman” ni VP Sara na si Ramil Madriaga, at dating Senador Antonio Trillanes. Ang tatlong ito ay ipinatawag ng Komite para isalaysay ang kanilang nilalaman sa mga isinanpang reklamo laban kay VP Sara.

Ipinadadala ng Komite kay Ombudsman Boying ang certified copy ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni VP Sara.

Panunumpain naman si Madriaga sa kanyang isinumiteng salaysay hinggil sa mga “evil money” na ginamit ni VP Sara sa kampanya nung 2022 election. Binigyan na siya ng permit ng korte ng Maynila para dumalo sa House hearing.

At si Trillanes ay gigisahin sa mga naging akusasyon niya sa “hidden wealth” ng pamilya Duterte, na ang limpak-limpak na salapi nito na pumasok sa kanilang bank accounts ay galing sa droga at illegal POGO.

Magiging madugo talaga ang Abril 14 para kay Inday Sara.

Actually, ito ang numero unong rason kung bakit tumakbo sa Korte Suprema ang kampo ni VP Sara, para pigilan ang pagsasalita ng naturang mga testigo, na malamang ay magpapadugo sa ilong ng16 abogado de kampanilya ni Inday.

Subaybayan!

***

IPINALIWANAG ni dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna na mayroong malinaw na limistasyon sa kapangyarihan ng House Justice Committee sa pagsagawa ng impeachmegt hearings laban kay VP Sara.

Sinabi niyang ang House’s role ay nakatuon lamang sa pagsusuri sa mga ebidensiya na isinumite ng mga nagreklamo, hindi ang palawakin o palakasin ito.

Sa panayam kay Azcuna, na nagsilbi ring miembro ng 1986 Constitutional Commission na nagtatag ng 1987 Constitution, binigyan diin niya na ang kapanyarihan para magsagawa ng full trial, kabilang ang pagrebyu sa SALN ni VP Sara, ay trabaho na ng Senate Impeachment Court.

Aniya, ang ongoing impeachment proceeding ay nagsisimula sa isang “teleserye” o porma ng public entertainment.

Malaki ang tama rito ni Azcuna.

Pero hindi naglabas ng TRO ang Korte Suprema para pigilan ang impeachment proceeding sa Abril 14.

Magkakaiba talaga ang mga pananaw ng bawat abogado, depende sa kanilang pinapanigan. Mismo!