SA NCR BAWAL ANG SUGAL SA PERYA, SA MINDORO OK ANG PERYA NA PULOS SUGAL ANG LAMAN DILG SEC REMULLA? (PART-9)
Advertisers
Mistulang nagdeklara ng war on criminality ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang mas mahigpit na pagpapatupad ng pag-iinom ng alak at pagsusugal sa mga pampublikong lugar habang inilulunsad nito ang “Safer Cities Initiative” sa Metro Manila.
Ito’y matapos magpahayag ng mahigpit na babala si DILG Sec. Jonvic Remulla na ipatutupad na ng PNP ang Anti Public Intoxication Act o pag-iinom sa kalye na bahagi ng pagdidisiplina at gawing ligtas umano ang mga kalye sa buong bansa. Weh di nga?
Sinasabing kabilang sa paiigtingin ay ang pagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad na pakalat-kalat sa kalsada pagsapit ng 10:00pm.
Huhulihin rin ang mga nag-iinoman sa kalye o public spaces at nagsusugal. Ipinagbabawal rin ang videoke kapag lagpas na ng 10:00pm.
@@@
Sa totoo lang sobrang higpit sa Metro Manila ang patakarang ito ni DILG Sec Remulla tapos sa mga probinsya ang luwag-luwag niya sa Perya na pulos sugal ang laman partikular na sa Oriental at Occidental Mindoro.
Sa madaling salita sa metro manila lang ipinatutupad ito ni Secretary Remula?
Ayon kasi sa kwento ng ilang mindoreño gabi-gabing pinagpipiyestahan ng mga sugarol at adik maging ng mga kabataan ang hindi bababa sa 300-lamesa ng “pulat puti, color games at drop ball baraha” na ang front ay Peryahan na pulos sugalan na inabot umano ng madaling araw ang operasyon sa Oriental at Occidental Mindoro.
Lulong na umano sa mga sugalang ito ang kanilang mga asawa na nagresulta sa pagkawasak ng kanilang pamilya. Ibinahagi ril nila ang pagkalulong ng kanilang mga anak.
Sa halip umano na pangunahan nina Oriental Mindoro PNP Provincial Director PCol Edison Revita, Occidental Mindoro PNP Provincial Director PCol Timoteo Espiritu at Police Regional Office MIMAROPA Regional Director PBGen Jovencio Badua ang panghuhuli at pagpapatigil sa mga ito, tila nagbubulag-bulagan umano ang mga opisyal.
Gaano ito katotoo, Col Revita, Col Espiritu at Gen. Badua mga Sir!
Ang kawalan ninyo ng aksyon ay hindi simpleng kapabayaan—ito ay malinaw na pagkunsinti kung totoo ang mga reklamo na nakarating sa Balyador.
Sinabi ng ilang concern citizen na garapalan na umano ang gambling operation sa mga bayan ng Bulalacao, Bongabong, Mansalay, Roxas, Pola, Pinamalayan, Gloria, Socorro, Bansud, Naujan, Victoria, San Teodoro, Baco, at Calapan City, Oriental Mindoro. –Talamak rin ang presensya ng mga nabanggit na Pergalan (Perya-Sugalan) sa mga bayan ng Looc, Abra de Ilog, Magsaysay, Mamburao, Rizal, Paluan, Sablayan, San Jose, Santa Cruz, Calintaan at Lubang, Occidental Mindoro.
Ang dating tahimik at mapayapang mga lalawigan ay hindi na umano “safety” para sa mamamayan dahil bukod sa talamak na sugal pinamumugaran na rin ito ng mga sindikato. sunod-sunod na rin ang mga naitalang patayan, nakawan at ang nadiskubreng shabu lab at mga sako-sakong shabu.
May follow-up pa!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com