Advertisers

Advertisers

Ex-police, 4 pa timbog sa P91m shabu at baril

0 4

Advertisers

ARESTADO ang limang high value individual (HVI), kabilang ang isang dating pulis, na nakuhanan ang mga ito ng mahigit P91 milyong halaga ng shabu at iba’t ibang uri ng armas sa Parañaque City Huwebes ng gabi, Abril 9.
Pinangunahan ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) ang operasyon
Kinilala ni acting SPD District Director, Colonel Glenn Oliver C. Cinco, ang mga nadakip na sina alias Bossing, 35 anyos; alyas James, 49, dating miyembro ng PNP na nadestino sa Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Mandaluyong City Police at nag-resign noong 2007; alyas Jezreel, 29; alyas Hazel, 25; at isang alyas Ricardo, 49, na live-in partner ni alyas Bossing.
Naaresto ang mga ito sa Barangay Sun Valley, Parañaque City 6:28 ng gabi sa buy-bust operation.
Ayon kay Cinco, ang mga narekober na ilegal na droga ay may koneksyon sa mga nahuli ng PRO4A sa Puerto Galera noong Marso 31.
Nakuha sa mga nadakip ang 13.389 kilo ng shabu at 5 containers ng liquid crystalline substance na may kabuuang halaga na P91,045,200; dalawang kalibre .45 pistola, isang Bushmaster rifle, P319,950 cash, at ilang communication devices.