Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Pinag-usapan nang husto ang ginawang pagtulong ni Heart Evangelista sa komedyanteng si Ate Gay na nagkasakit ng kanser.
Alam ni Heart na puwedeng bigyan ng ibang kahulugan ng ibang tao ang ginawa niyang pagtulong. Pero para sa kanya ay mas importante ang makatulong sa kapwa at “makapuntos” sa langit..
Kuwento pa ni Heart sa guesting niya sa “Fast Talk With Boy Abunda” ay ang kanyang assistant ang unang nakausap ni Ate Gay.
“After that, kinausap niya ako pero hindi niya alam na ako yun. For me, it’s sad but I’ve not given so much thought into it, but there’s always gonna be color in whatever we do as public people.”
“My points in heaven are far more important. One day, this can be a backtrack of how I was at a specific time. “Life is too short, mas importante sa akin ‘yung points ko sa heaven.”
Lahad pa ni Heart ay magkahalo ang naramdaman niya nang ibahagai ni Ate Gay sa publiko ang ginawa niyang pagtulong sa komedyante.
“I felt uncomfortable na sinabi niya, pero salamat din kasi iba rin pala marinig na nagpapasalamat sa iyo ‘yung tao. Kasi most of the time, people don’t really know it’s me.
“I work hard not just for me, but for a purpose, and for me to write a story that would be so great to read one day when I’m no longer here.”
Samantala, nagkuwento rin si Heart tungkol sa pagsama niya sa ina niyang si Cecilia Ongpauco sa fashion week sa Paris at Milan.
Naging mahalaga ang bonding nila na iyon ng mommy niya dahil may pinagdadaanan si Heart sa mga panahong iyon.
“Mommy ko, of course, you know my mom. She was my original ‘momager.’ And I was really going through something in my life.
“I lost my confidence. And iyon nga, nalulunod ako sa mga naririnig ko.
“But the thing is, I couldn’t work. And I’m there to work. So I really need my mom to talagang ‘Anak, gawin mo ‘to.’
“So talagang siya ‘yung, ‘Kailangan mo itong gawin, you have to do this, focus.’ To remind me of my worth. “And it worked.
“Kasi ‘di ba ang nanay, o ang magulang, ‘pag sinabi sa’yo, lalaki kang bobo. ‘Pag sinabi ng nanay mo, ‘Kayang gawin mong lahat,’ magagawa mo talaga lahat.”
Ayon pa kay Heart, nag-enjoy ang kaniyang ina nang maimbitahan ito sa mga showrooms.
“Nahabol namin yung moment. Kasi, iba talaga ang magulang.”
In the past ay may mga pagkakataong hindi naging maganda ang samahan nina Heart at ng kanyang ina.
“Dragon kasi yung mommy ko eh. Pero iyon kasi ‘yung way niya ng pagmamahal. And looking back, I understand.
“I may not have given life to the children I have, but I really understand how a mother will do everything to protect her daughter.
“Pero now that I’ve gotten older, she is me and I am her,” saad pa ni Heart.
Emosyonal si Heart nang hingan ng mensahe para sa ina.
“Siguro, thank you for loving me so much. “Makikipagpatayan talaga siya para sa akin kasi siya talaga yung nakakaalam ng puso ko kasi galing sa kanya yun, eh.
“So thank you dahil as years go by, hindi niya nakalimutan kung sino ako. And salamat kasi hindi ko talaga mararating yung narating ko ngayon kung hindi dahil sa kanya kasi kahit ganun ka-tough siya sa akin nun, ang laki ng inayos ng buhay ko.
“Kahit ano nangyari sa akin, ang laki ng decision making ko, siya lahat yun, eh.
“And the character na akala ko na wala sa akin na pagiging matapang, siya rin pala yun, pumasok din pala sa akin, Tito Boy.
“So I’m so blessed. We’re all so blessed to have mothers, parents. Kaya kung malayo tayo sa mga magulang, it’s not worth whatever success. money. “Time is not… it’s priceless talaga, it’s priceless,” emosyonal na sinabi ni Heart.