Advertisers

Advertisers

31-ANYOS NA LALAKI, TODAS SA 3 GUNMAN SA CAINTA RIZAL!

0 6

Advertisers

TODAS SA tatlong guman na sakay ng Subaru Forester ang 31-anyos na lalaki ng pagbabarilin ito sa harap ng condominium sa Cainta Rizal .

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Mark nakatira sa Brgy., Ususan, Taguig City.

Batay sa ulat, dakong alas 6:10 ng gabi naninigarilyo ang biktima sa entrance ng Arrezo sa Brgy., San Juan Cainta.

Biglang huminto ang isang puting Subaru Forester XT na may plakang AAM-8038.

Bumaba ang 3 gunman at tinadtad ng bala ng hindi pa batid na kalibre nt baril ang biktima hanggang mamatay.

Tumakas ang mga suspek sakay ng Subaru patungong Sandoval Ave., kumanan ng Centennial 1 hanggang J. Infante St., kung saan inabandona ang sasakyan sa Brgy., Pinagbuhatan Pasig City.

Pormal namang inindorso ng Pasig PNP sa Cainta Police na may hurisdiksyon sa kaso para sa mas malalim na imbestigasyon.

Nagsasagawa ng back tracking sa CCTV camera sa lugar ang mga awtoridad para sa pagkakilanlan ng mga salarin.

Habang patuloy sa pagtugis ang pulisya para matukoy ang motibo sa kasong murder. (Edwin Moreno)