Advertisers

Advertisers

Atong kumikilos kasama kanyang maliit na grupo

0 6

Advertisers

KINUMPIRMA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na nananatili pa sa bansa ang puganteng bussinessman na si Charlie Atong Ang.

Ito ay matapos ang naiulat na sightings ni Ang sa bansa na hindi na muna tinukoy sa ngayon ng kalihim.

Ayon kay Remulla, matapos ang naging ulat na ito ay agad na nagkasa ng follow-up operations ang mga otoridad kung saan personal na nakibahagi ang kalihim, ngunit hindi nila naabutan sa lugar ang pugante.



Siniguro naman ni Remulla na nagpapatuloy ang mga otoridad sa pagsasagawa ng mga manhunt operations laban kay Ang base sa raw intelligence reports na kanilang natatanggap.

Sinabi pa ng kalihim na kumikilos si Ang kasama ng kanyang maliit na grupo ngunit tiniyak nito na patuloy ang kanilang isinasagawang mga operasyon para matunton ang nasabing pugante.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">