Ex-Gov. Chavit Singson, at mga dating opisyal ng Ilocos Sur, kinasuhan sa maling paggamit ng tobacco excise tax
Advertisers
Sinampahan ng kasong katiwalian sa Offfice of the Ombudsman si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson at mga dating opisyal ng naturang lalawigan at kasalukuyan opisyal ng nasabing lalawigan kaugnay ng umano”y maling paggamit ng tobacco execise tax funds.
Sinabi sa ulat bukod kay Chavit Singson kasama rin sa sinampahan ng reklamo si dating Governor Ryan Singson at kasalukuyan Ilocos Sur Governor Jeremias Singson at ilang dating opisyal ng lalawigan na sina Pablito Sanidad Jr., Joselle Gironella, Gina Cordero, Mildred Elaydo, Benjamin Maggay, Leopoldo Gironella, Jr., Mikaela Karita Singson-Bautista, Constante Oandasan, Ronnie Rapanut, Efren Rafanan Sr., Francisco Arturo Ranches lll, at Art Constantine Oandasan mga dati at kasalukuyan members ng Sangguniang Panlalawigan ng lalawigan ng Ilocos Sur.
Nabatid sa complinant na si Atty. Estelita D. Cordero, President ng Warriors Ti Ilocos Sur, Inc. na nilabag umano ng mga dating opisyal ang batas kaugnay ng maling paggamit ng tobacco excise tax.
Ayon sa reklamo ni Cordero nilabag umano ng mga dating opisyal ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa RA 8240 ang mga dating opisyal dahil umano sa maling paggamit ng mga kita sa excise tax ng tabako ng lalawigan .
Nag-ugat ang kaso dahil umano sa maling paggamit ng humigit-kumulang na P585 milyong mula sa tobacco excise tax na ginastos sa pagtatayo ng “Tobacco Farmers Convention Center” na nagsimula noong 2008.
Nabatid pa sa reklamo makalipas umano ang sampung taon, wala pang 10% na kumpleto ang proyekto at pagkatapos inabandona, na isa umanong malinaw na pag-aaksaya ng pondo ng bayan.
Kaugnay nito sa hiwalay na reklamo kinasuhan din si dating Gov. Chavit Singson kasama ang mga dating at kasalukuyan Municipal Administrator ng Narvacan, Ilocos Sur ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o ang Republic Act. No. 3019.
Ayon pa sa reklamo nais ng complinant masingil ang lahat ng mga respondent hinggil sa paglabag sa batas sa maling paggamit ng pondo ng bayan. (Boy Celario)