Advertisers
TUMAAS nang malaki ang foreign debt ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang dalawang buwan ng taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Batay sa pinakahuling datos, umabot sa P887 billion ang kabuuang hiniram ng gobyerno hanggang noong buwan ng Pebrero — mas mataas ito kumpara sa P552.7 billion sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr., higit na pinaboran ang domestic borrowing, na umabot sa P684.3 billion—mahigit doble kumpara sa P293 billion noong nakaraang taon.
Malaking bahagi nito ay galing sa treasury bonds at treasury bills. Dahil dito, karamihan ng utang ng gobyerno ngayon ay mula na sa loob ng bansa.
Samantala, bumaba naman ang pangungutang mula sa ibang bansa, na umabot lamang sa P202.7 billion —mas mababa ‘yan kumpara noong nakaraang taon.
Dahil sa domestic surge, umabot sa 77.1% ng kabuuang borrowings ang domestic debt—na siya namang tumutugma sa target ng pamahalaan na 77% domestic financing mula sa loob ng bansa.
Nagpapakita ito na mas pinipili ngayon ng pamahalaan na umutang sa lokal na merkado upang matustusan ang pangangailangan ng pondo.
Sa kabuuan, bagama’t patuloy ang pagtaas ng pangungutang, sinusunod pa rin ng gobyerno ang target nitong mas malaking bahagi ng utang ay dapat manggagaling sa loob ng bansa kaysa sa foreign debt.