Advertisers

Advertisers

PNPA HAZING VICTIMS BINUHUSAN NG ASIDO SA LIKOD

0 4

Advertisers

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.IDINETALYE ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang malalang sinapit ng mga kadete sa insidente ng hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA).
Nauna nang kondenahin ng Philippine National Police (PNP) noong Abril 10, 2026 ang naturang insidente ng pananakit sa mga kadete, at inihayag nila sa publiko na agad silang nagsagawa ng imbestigasyon patungkol dito.
Ayon naman sa isinagawang press conference ni Remulla kasama ang PNP nitong Lunes, Abril 13, 2026, sinabi niyang nagsimula ang hazing incident sa PNPA ng Abril 3, 2026.
Base sa ulat ni Remulla, mga first year sa PNPA ang mga biktima ng “extreme torture” o malubhang pananakit sa hazing.
Ani Remulla, binuhusan ng pinaghalong liquid sosa at muriatic acid ang likuran at pribadong bahagi ng katawan ng mga kadete dahilan para magtamo ang mga ito ng 3rd-degree burn.
“Binuhusan po ang kanilang likod ng mixture ng liquid sosa at muriatic acid resulting in 3rd-degree burns,” aniya.
Dagdag pa niya, “Sa ibang kadete ay umabot pa sa kanilang private parts ang asido.”
Diin ni Remulla, hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng mga kadete. Aniya, isinagawa ang naturang hazing nang walang pahintulot mula sa mga namumunong pulis sa PNPA.
“Ito po ay hindi katanggap-tanggap. Nakita po namin ang litrato, sunog ang kanilang mga likod hanggang sa baba ay nasunog din,” saad niya.
“Done without the consent of the Police leadership,” pahabol ng kalihim.
Pagpapatuloy niya, kasalukuyan nang nakakulong ang tatlong salarin na mga PNPA 3rd class cadet, na napatunayan nilang pasimuno sa nasabing insidente.
“Hindi po namin kinokondena ang ganitong klaseng behaviour, at sa ngayon ay nakakulong na ‘yong tatlo,” anang DILG secretary.
“Kung makikita n’yo po ang kanilang picture, sobrang nakakaawa po dahil makikita ninyong lapnos ang buong kalikuran nila hanggang sa puwit, hanggang buong ilalim pa,” ngitngit ni Remula.