Advertisers

Advertisers

Claudine Barretto pinili ni Charo Cordial ng Maddox Jewelry para gumanap sa kanyang life story

0 2

Advertisers

By ROMMEL PLACENTE

NILINAW ni Claudine Barretto na hindi sila nagkaroon ng relasyon before ng nakababatang kapatid ni Korina Sanchez na si Milano.

Sabi ni Claudine, “Unang-una, hindi naman talaga naging kami ni Milano. We were dating.”

“And then, hindi kami umabot ng 2 months.
“But we’re good friends. We still talk.
“We see each other from time to time.”
Nung na-link siya kay Milano, ginugulo raw siya ng ex nito?
“Wala ‘yun. Actually, okey din kami nu’n,”sagot niya
Kelan ba niya ulit susubukang magmahal?
Sagot niya, “Wala muna. Ano muna, pause.”
“After 12 years, nag-try naman ako na mag-date and all.
“Pero parang hindi pa para sa akin. Hindi pa talaga dumarating,”

Nakausap namin si Claudine nang rumampa siya sa Maddox Iconic Runway Diamond Jewelry Fashion Show 2026. Ang owner ng Maddox ay si Ms. Charo Cordial. Ayon dito, kung isasapelikula ang buhay niya ay si Cladine ang gusto niyang gumanap bling siya.

Pero, ginagawa na pala ang life story niya. Kinumpira ito ni Claudine. At siya nga raw ang gumaganap bilang si Ms. Charo.

“Ginagawa ko na ‘yung buhay ni Ms. Charo.
“Hindi ko pa alam kay Ms. Charo kung saan niya ipapalabas.
“May isa pa kaming shooting day.
“And sobrang ganda ng buhay niya. Nakakatuwa.
“Isa rin siyang Claudinian na naging successful sa buhay.
“Na parang feeling ko, nakapag-contribute ako sa buhay niya.
“Nagng inspirasyon niya ako kahit konti. So malaking bagay para sa akin ‘yun,” aniya pa

Samantala,ayon kay Ms. Charo ang Maddox ay kinuha niya mula sa pangalan ng kanyang anak.

Itinayo niya ito during pandemuc. Nung nagsimula raw siya ay apat lang ang kanyang mga tauhan, ngayon ay marami na.

Sa tanong kung ano ang sikreto ng pagigjng successful niya bilang businessswoman,ang sagot niya.” Mahalin mo yung ginavawa mo. Mahalin mo rin yung mga empleyado mo. Mahalin mo yung mga customer mo. Ibigay mo kung ano ang gusto nila,”