Advertisers
MAY access na ngayon ang mga grassroots na atleta sa weightlifting sa world-class na kagamitan sa gym ni Hidilyn Diaz sa Mampang, Lungsod ng Zamboanga.
Ang gym, na itinatag ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo noong 2017, ay nakatanggap ng bagong set ng kagamitan mula sa Philippine Sports Commission (PSC) nitong Miyerkules.
Sinabi ni PSC chairman John Patrick Gregorio na ang paghahatid ng kagamitan ay higit pa sa isang pangkaraniwang pagsasaayos ng lohistika.
“It was a promise kept. This is about building dreams. By equipping the home of our local weightlifting community, we are laying the foundation for the next generation of Olympic icons,” wika nya sa news release Huwebes.
Ipinahayag ni Diaz-Naranjo ang kanyang saya sa pagkakita na nakikinabang ang mga batang lifter sa upgrade.
“Thanks to this weightlifting equipment, the athletes of the Mampang Weightlifting Club can continue their training at the gym I had built in 2017,” wika ni Diaz-Naranjo.
“I am happy to see many young people trying out weightlifting and dreaming of becoming medalists,” dagdag ng 2016 Rio Olympics silver medalist.
Nandoon sa turnover ceremony ang mga opisyal ng PSC na pinamunuan ni Executive Assistant Lito Cinco mula sa Opisina ni Commissioner Matthew Gaston, Zamboanga City Councilor Elbert Bong Atilano at Sports Development Officer Cecilia Atilano, mga pambansang coach na sina Allen Jayfrus Diaz at Emelita Diaz, at mga medalistang Asian Youth at Junior na sina Alexsandra Ann Diaz at Jhodie Peralta.
Ang turnover ay malaking tulong para sa komunidad ng weightlifting ng Zamboanga, na tinitiyak na may access ang mga batang atleta sa mga kagamitan na nasa pamantayan ng internasyonal at sa isang suportadong kapaligiran.
Ang proyekto ay isang kolaborasyon sa pagitan ng PSC at ng Department of Education, pinangungunahan ni Secretary Sonny Angara, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtulungan ang parehong ahensya ng gobyerno para mag-develop ng mga programa sa sports sa buong bansa.
“Grassroots development is the lifeblood of Philippine sports. Every barbell lifted here is a step closer to producing champions who will one day carry our flag on the world stage,” tugon ni Gregorio.