Advertisers

Advertisers

Isabel Rivas, proud na proud sa mga apo; Heather, nagsikap mag-ipon para sa pet duck

0 3

Advertisers

  • Ni Mercy Lejarde

Super proud ang multi-awarded actress na si Isabel Rivas sa kanyang mga apo na sina Heather Sloane at Austin Titus, mga anak ng kanyang nag-iisang anak na si Richard Chua at ng aktres na si Nadine Samonte.

Sa social media, muling ibinahagi ni Isabel ang post ng kanyang beautiful daughter-in-law na si Nadine tungkol sa anak nitong si Heather.

Ipinakita ni Isabel kung gaano siya kasaya bilang isang lola na makita ang kanyang mga apo na natututong magsikap, mag-ipon at maging responsible sa murang edad.

Sa caption ni Isabel, saad niya, “Friends: I’m a happy grandma seeing how my little angels are learning early how to sell & save for what they want… this time it’s a cute real fluffy duck. Can’t wait for her pet to arrive!”

Samantala, proud mother naman si Nadine matapos makita ang sipag at determinasyon ng kanyang anak na si Heather para matupad ang simpleng pangarap nitong magkaroon ng sariling pet duck.

Sa isang social media post, ibinahagi ni Nadine kung gaano siya kasaya at ka-proud sa kanyang anak.

Ani Nadine, “As a mother, I’m so proud of you, Heather. At first, nahihiya pa siyang magbenta, pero she really wants to buy a pet duck and gagawin niya talaga ang lahat para makaipon at mabili n’ya ’yung pet duck n’ya.”

Kwento pa ni Nadine, naisip din ni Heather na magbenta ng squishies dahil paborito niya ang mga ito. Marami na rin umanong ideas ang kanyang anak at gusto na nitong magkaroon ng sariling online store.

“I will support her all the way,” saad ni Nadine.

Ang pet duck umano ang tanging regalo na gusto ni Heather para sa kanyang nalalapit na ika-10 kaarawan, dahil hindi pa raw talaga puwedeng magkaroon ng aso sa ngayon.

Kuwento pa ng aktres, noong unang araw na nagbenta si Heather ay nag-aalala ito kung may bibili sa kanyang paninda.

“Mom, what if nobody buys?” tanong daw ni Heather.

Payo naman ni Nadine sa kanyang anak, huwag itong mag-expect at maging okay lamang kahit hindi maubos ang paninda. Ngunit laking gulat nila nang maraming bumili at halos maubos ang kanyang paninda.

Dahil walang pasok kinabukasan, nagdesisyon si Heather na muling magbenta. Kahit malakas ang ulan, hindi pa rin ito sumuko. At sa huli, sold out muli ang kanyang paninda!

Tuwang-tuwa si Heather sa naging resulta at mas lalo pa itong naengganyong magtinda at simulan ang kanyang sariling online store.

Nagpasalamat naman si Nadine sa kanilang mga kapitbahay na sumuporta kay Heather.

“I’m so, so proud of you,” mensahe niya sa kanyang anak.

Samantala, hindi rin nagpahuli si Titus, na tila gustong tumulong sa negosyo ng kanyang ate. Ayon kay Nadine, bawat bumibili ay binibigyan nito ng biscuit at juice—mga pangbaon sana nila sa school.

“Mga pangbaon nila sa school, naku, lugi negosyo, Titus!” biro ni Nadine.

Bilib naman si yours truly sa mga apo ng mahusay na aktres na si Isabel Rivas—talagang bata pa lang ay marunong na sa pagnenegosyo.

Congratulations, Richard Chua at Nadine! Ang ganda ng pagpapalaki na ginawa ninyo sa inyong mga anak.

——–

Walang humpay na kilig at good vibes ang handog nina Coco Martin at Julia Montes sa pagtagpo ng kanilang mga karakter sa mga susunod na episode ng patok na Kapamilya teleseryeng “Coco Martin’s Sigabo.”

Ipinasilip ng ABS-CBN at CCM Film Productions sa behind-the-scenes na mga larawan at teaser video ang nakakakilig na muling pagkrus ng landas ng CocoJul, kung saan nilalambing ni Gabo (Coco) si Sam (Julia) habang inaalagan niya ang sugatang dalaga.

Kaabang-abang ang muling pagkikita nina Gabo at Sam dahil pagkatapos ng ilang mga matitinding engkwentro nilang dalawa, tuluyan na nilang papasukin ang mundo ng isa’t isa matapos mapadpad si Sam sa komunidad ni Gabo kasunod ng makapigil-hininga niyang bakbakan laban sa grupo ng sindikato.

Samantala, itotodo na rin ni Gabo ang pakikipagsapalaran sa mga maaksyong laban sa mga susunod niyang misyon upang patumbahin ang mga kriminal.