Advertisers

Advertisers

Beauty Gonzales artistahin din ang anak

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Hindi maitago ni Kapuso actress Beauty Gonzales ang saya at paghanga niya matapos sumabak sa kauna-unahang official photo shoot ang anak niyang si Olivia Ines.

Ibinahagi ni Beauty sa Instagram ang ilang larawan ni Olivia na agad nakakuha ng atensyon dahil sa natural nitong charm at confident na pagpo-pose sa harap ng camera.

Sa suot na puting sleeveless top na may metallic stars at simple lamang na makeup, mas lalong lumutang ang fresh at magandang aura ng batang modelo. Kapansin-pansin din ang matinding pagkakahawig niya sa kanyang mommy Beauty, kaya marami ang napasabi na parang mini version siya ng aktres.

Hindi rin nakapagtataka kung bakit sobrang proud si Beauty. Sa kanyang caption, sinabi niyang siya mismo ang biggest fan ng kanyang anak at hindi niya mapigilang titigan ang mga kuha nito.

Agad namang bumuhos ang positibong komento mula sa fans at ilang celebrities. Pinuri nina Faith da Silva, Isabel Oli-Prats, Faye Lorenzo, Ruby Ruiz at Kaye Abad ang kagandahan ni Olivia.

Sa unang modeling experience pa lang, mukhang may sariling spotlight na si Olivia. At kung pagbabasehan ang confidence niya sa harap ng camera, baka ito na ang simula ng isang exciting na journey.