Advertisers

Advertisers

SAKLA NI DANNY AT ALYAS MAYOR SA BEACH RESORT, IPINASISILIP!

0 3

Advertisers

SA halip na maganda at tahimik na kapaligiran sa mga beach resort sa bayan ni Lemery Mayor Ian Kenneth Alilio ay sangkatutak na saklaan na kung tawagin ay baklay ang mabubungaran sa naturang mga lugal. Aksyon nina PNP Region 4A Acting Dir. BGen. Dominic Baccay at Batangas Gov. Vilma Santos Recto ang hiling ng mga mamamayan sa tanawing ito.

Pansamantalang hindi muna binanggit ang mga beach resort na lantaran ang pasakla sa bayan ni Mayor Alilio. Ang pagmamatyag at pag-aresto sa mga operator at mga tauhan ng ilegal na pasugalan ay mandato ni Lemery Police Chief Lt. Col. June Aian Rojas at Batangas Provincial Police Office sa ilalim ni Col. Oliver Ebora.

Batangas Gov. Vilma Santos Recto at PNP Region 4A Acting Dir. BGen. Dominic Baccay

Bukod kina Col. Ebora at Lt Col. Rojas ay dapat huwag magpakampante si Batangas Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Officer Lt. Col. Bryan Dexter Andulan. Malamang na kasama ang kanyang pangalan sa ipinangongolekta ng weekly intelhencia ng isang alyas Aldwin sa mga poste ng halos 20 sakla den na matagal ng pinapatakbo ng isang alyas Danny Bakla at alyas Mayor sa ibat ibang barangay sa Lemery.

Sinisingilan ng entrance fee ng kakutsabang beach resort operator ang mga guest upang masala ang mga magsusugal na pumupunta sa beach resort. Nagtalaga din doon ng mga bantay na pulis at barangay tanod sina alyas Danny Bakla at alyas Mayor upang di mabulilyaso ang kanilang pasakla.

Nag-ooperate din sa ibat ibang barangay sa Lemery ang naturang saklaan ngunit nagkapagtatakang walang aksyon laban dito sina Mayor Alilio, Col. Ebora at Lt Col. Rojas?

May 20 ding saklaan ang pinatatakbo sa iba’t ibang barangay ang Lipa City Mafia na kinabibilangan nina alyas Oying, alyas Glen Figaro, CJ at policewoman alyas Sgt. Michelle. Gabi-gabing naghahatag ang mga ito ng tumataginting na Php 120,000 na intelhencia sa ilang Lipa City Police official bukod pa sa tinatanggap ng ilang Lipa City hall top brasses.

Sa bayan ni Nasugbu Mayor Jose Antonio Barcelon ay may mga sakla sa Manggahan si alyas Jonathan; Reparo ni alyas Jojo; Bucana ni alyas Gigel; Catandaan ni Jemwel; Lumbangan ni alyas Kon Inan at Tumalim ni alyas Tess. Tila walang kamuwang-muwang dito si Police Chief Lt. Col. Roel Gabito. Itinuturong protektor ng mga naturang ilegalista ay ang isang pulis na alyas Rowel at alyas Sgt. Ilao.

Ang iba pang mga sakla den sa Batangas ay ang inooperate nina Jeff, alyas Tisoy at alyas Nonit sa bayan ni Padre Garcia Mayor Celsa Braga-Rivera; Lucido ng Tanauan City; Magsino na kumikilos sa Sto. Tomas City at bayan ng Mataas na Kahoy; alyas Morpe sa bayan ni Rosario Mayor Leovy Morpe; Ronel ng bayan ng San Juan; alyas Kap Mike ng Alitagtag; alyas Digo ng Poblacion at Lumbangan sa bayan ni Tuy Mayor Jose Jecerell Cerrado at Arnaiz sa bayan ni Taysan Mayor Brigido Villena.

Nag-ooperate din sa Taysan ang mapaminsalang illegal quarry sa mga barangay ng Piña, San Marcelino, Pinagbayanan at iba pang lugar sa naturang bayan. Matagal na din na may ilegal na pasugal sa Brgy. Mabayabas ang isang alyas Rodalyn, ngunit dedma lang ito kina Mayor Villena at Police Chief Maj. Nasser Jibrael Baiddin.

Nag-ooperate din ang may 20 peryahan-sugalan (pergalan) na karamihan pa ay front sa bentahan ng shabu sa buong lalawigan at kanugnog na mga probinsya ngunit nakapagdududang hindi tinitinag ng kapulisan ng mga police chief ni PD Col. Ebora.

Kabilang dito ay ang puesto pijo na pergalan ni alyas Larry sa tabi ng CP Reyes Satellite Clinic sa Santiago sa bayan ni Malvar Mayor Artemio Abu; alyas Tomboy, Onad at Allan sa siyudad ni Calaca Mayor Nas Ona; Tomboy, Allan at Maricel sa Darasa, Tanauan City; Tomboy, Onad at Egay sa San Rafael, Tomboy at Joseph sa San Agustin, Ashley sa Sta. Clara, pawang sa siyudad ni Sto. Tomas Mayor Arth Marasigan; Marinteh sa Apacible Street, sa bayan ni San Nicolas Mayor Lester De Sagun; alyas Tina sa bayan ni Bauan Mayor Wendah Dolor; alyas Mundo at Arnel sa Lemery at mga color games at pimpong ni alyas Nanay Amie sa bayan ni Rosario Mayor Leovy Morpe. May karugtong.

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144