Advertisers
Mahigit P7.5 milyon halaga ng ilegal na droga ang nasamsam at 64 katao ang dinakip sa loob lamang ng isang linggo — mula Setyembre 21 hanggang 27 — sa ilalim ng pamumuno ni EPD Director PBGen. Roman Arugay.
Nakuha sa magkakahiwalay na pagsalakay ang mahigit 1,080 gramo ng shabu, marijuana, at kush — kabuuang tinatayang nagkakahalaga ng P7,508,056.
Bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa droga alinsunod sa utos ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at sa ilalim ng pagbabantay ni NCRPO OIC PBGen. Christopher Abrahano.
Ayon kay PBGen. Arugay, patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng batas — kasabay ng publiko — upang panatilihing ligtas ang bawat komunidad sa Metro East.
Ang mga naaresto ay itinuturing na inosente hangga’t hindi napatutunayang nagkasala sa hukuman. (Edwin Moreno)