Advertisers

Advertisers

Kris Lawrence at Katrina Halili nagkabalikan

0 20

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGKABALIKAN na sina Kris Lawrence at Katrina Halili.

Ang kanilang anak na si Katie mismo ang nagkumpirma ng kanilang pagbabalikan.



Ayon kay Katie, naging official muli ang kanyang mama at papa noong Septemter 13, 2026, alas-dose ng hatinggabi.

Kasabay nito, nag-post din si Kris sa Facebook noong Linggo, Setyembre 27, ng sweet photo nilang magkasama ni Katrina, kasama ang kanilang anak na si Katie.



Makikita sa larawan na nakayakap sina Kris at Katrina kay Katie habang nasa isang malawak na lupain.

Sa caption, tila may pahiwatig si Kris na nagsisimula sila sa isang bagong yugto ng kanilang relasyon.



Mensahe niya: “New chapter.

“I told you I gotchu, and I meant that. No need to rush anything… One Step at a Time, enjoying where this takes us.”

Sinundan pa niya ito ng mensaheng nagsasabing masaya siya sa kasalukuyan at sila mismo ang magpapasya kung saan hahantong ang bagong chapter ng kanilang buhay.

All I know is I’m happy… KAMI NA bahala where this new chapter takes us

***

Pinagkaguluhan si Kathryn Bernardo sa pagbisita niya sa isang branch ng food chain na ine-endorse niya

Hindi lang bumisita si Kathryn kundi nag-assist pa siya sa mga customer sa counter suot ng uniporme gaya sa mga crew ng naturang food chain.

Siyempre, super kinilig ang customers at ‘di makapaniwala na kaharap nila mismo at kausap si Kathryn.

Samu’t sari ang reaksyon ng mga netizen sa pag-apir ng aktres sa counter ng food chain

“We enjoyed, Kath!”

“Glad you got to be part of the fun,”

A-LISTER!!! Reyna!! Box Office Superstar!!”

“Ang daming tao grabe kath”

“Baka Kathryn Bernardo yn?! Daming nag mamahal,daming supporters”

“Ganda good job kath”

“Forever Queen”