Advertisers

Advertisers

ERWIN TULFO, KINONDENA ANG PANGUNGUTYA KAY JOSHUA AQUINO; KARAPATAN NG PWD, IPINAGTANGGOL

0 30

Advertisers

MARIING kinondena ni Senador Erwin Tulfo ang pangungutya kay Joshua Aquino sa podcast na Machong Chismisan, kung saan tinawag itong “walang kwenta.”

Ayon kay Tulfo, hindi dapat gawing biro o punchline ang kapansanan at walang puwang ang diskriminasyon laban sa mga person with disability (PWD).

Binigyang-diin ng senador na kung nakararanas ng ganitong pagtrato ang mga PWD na mula sa kilalang pamilya, mas dapat pagtuunan ng pansin ang diskriminasyong kinakaharap ng mga ordinaryong Pilipinong may kapansanan.



“Idinidiin ko: Hindi ginagawang punchline ang kapansanan,” ani Tulfo.

“Hindi kasalanan ng isang tao na magkaroon ng kapansanan at walang puwang ang diskriminasyon para sa mga kababayan nating PWD,” hirit niya.



Bilang chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, iginiit ni Tulfo na hindi sapat ang pagkondena sa insidente at dapat itong samahan ng konkretong hakbang para maprotektahan ang karapatan ng mga PWD.

Kabilang sa mga isinusulong niya ang Senate Bill No. 1405, na naglalayong gawing panghabambuhay ang bisa ng PWD ID para sa mga may permanenteng kapansanan, at Senate Bill No. 1830, na naglalayong mapabuti ang access ng mga PWD sa mga pasyalan at tourism sites.



Dagdag ni Tulfo, patuloy siyang magsusulong ng mga polisiya para matiyak ang pantay na karapatan at mas maayos na pagtrato sa mga PWD sa bansa.