Advertisers

Advertisers

UBOS NA SILA AT WALA NG PWERSA

0 28

Advertisers

KAPANSIN-PANSIN ang patuloy na pagdedeklara ng mga lugar o’ mga barangay na ang mga ito ay nasa ilalim na ng Stable Internal Peace and Security (SIPS).

Katunayan, umabot na sa 28,415 barangay sa 60 lalawigan ang saklaw ng mga deklarasyon ng SIPS, ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang SIPS sabi nga ng task force ay pamayanang may matatag na kapayapaan at seguridad na nagpapakita ng patuloy na paghina ng armadong impluwensiya ng CPP-NPA-NDF at pagtalikod ng mga komunidad sa karahasan tungo sa kapayapaan, demokratikong pamamahala at kaunlaran.



Binigyang-diin ni NTF-ELCAC Deputy Director for Operations Rodrigo “Rhod” Lutao ang mga bilang na ito noong Martes sa ginanap na Major Island Group Action Planning Workshop for Mindanao, kung saan iniulat niya ang progreso ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) sa harap ng mga tagapaghatid ng impormasyon ng pamahalaan at mga katuwang mula sa Regions IX, X, XI, XII, CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ipinapakita ng mga datos ang lawak ng pagbabagong nagaganap sa bansa. Sa kabuuang bilang, 21,614 barangay sa 45 na lalawigan, matatagpuan ang siyam na buong rehiyong nakamit na ang SIPS status.



Samantala, karagdagang 6,801 barangay sa 15 lalawigang may SIPS status ang kabilang sa mga rehiyong patuloy pang kumikilos tungo sa ganap na regional SIPS. Sa kabuuan, 28,415 barangay sa 60 lalawigan ang nakapagtatag na ng matatag na kalagayan ng kapayapaan at seguridad, batay sa ulat ng Task Force.

Para sa NTF-ELCAC, malinaw na ipinakikita ng mga bilang na ito ang malaking pagliit ng mga lugar na dating pinamumugaran o naiimpluwensiyahan ng komunistang armadong insurhensiya.



Ang mga pamayanang dating pinagsisikapang kontrolin ng CPP-NPA-NDF ay unti-unting bumabalik sa normal na pamamahalang sibilyan, mapayapang pakikilahok sa prosesong pampolitika at mga gawaing pangkaunlaran.

Sa ganang akin, tila nauubos na nga ang werpa ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. Kaya kung ako naman sa Inyo, na kasapi ng grouping ito, na hanggang sa ngayon ay patago-tago pa sa mga kabundukan at kagubatan, LUMUTANG na kayo at sumuko. Wala na kayong patutunguhang maganda pa para sa inyong mga buhay.