Advertisers

Advertisers

Wala pang dagdag-presyo sa basic goods — DTI SAPAT NA SUPLAY NG BOTTLED WATER, TINIYAK NG PAMAHALAAN

0 30

Advertisers

Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng bottled water sa bansa at wala pang nakikitang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng banta ng Super El Niño.



Sa isang ambush interview sa isang event na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Pampanga, sinabi ni DTI Secretary Ma. Christina Roque na batay sa pag-iikot ng ahensya sa mga manufacturing plant, may mga pasilidad na kayang gumawa ng hanggang 65,000 bote ng tubig kada oras.

Aniya, tiniyak ng mga manufacturer na may sapat silang suplay para sa merkado.

Dahil dito, hinimok ng kalihim ang publiko na huwag mag-panic buying dahil patuloy na mino-monitor ng DTI ang suplay ng mga produkto sa mga pamilihan.

Wala rin aniyang natatanggap na kahilingan ang ahensya para sa pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin o basic necessities and prime commodities (BNPC), kabilang ang de-lata, gatas, tinapay at iba pang produktong pang-araw-araw.

Umaabot sa 204 stock keeping units (SKUs) ang binabantayan ng DTI sa ilalim ng price monitoring program nito.

Gayunman, patuloy na babantayan ng ahensya ang suplay at presyo ng mga produkto, lalo na sa mga susunod na buwan at sa paglapit ng Pasko, upang matiyak na may sapat na mabibili ang publiko sa makatwirang presyo. (Gilbert Perdez)