Advertisers

Advertisers

Debbie Lopez unti unting naaaabot ang magandang kapalaran sa musika

0 24

Advertisers

Ni Beth Gelena

Unti unti nang nakakamit ni Debbie Lopez ang pagbuo ng kanyang pangalan sa Original Pilipino Music (OPM) mula nang masungkit niya ang New Female Artist Recording Artist ng PMPC Music Awards nitong nakaraang July 25, 2026 na ginanap sa Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan.

Ang kanyang pinalunan ni Debbie at ang Higugmaon ka na isang Visayan song.



SI Debbie ay hindi lang singer, may karanasan din siya bilang radio DJ, host at online performer at isa ring Cosplayer.

Isa sa milestone ng kanyang singing career ang pagkakaroon ng tropeo as a new artist.



Mula sa pagiging radio DJ, host at online performer, mas seryoso na niyang tinatahak ngayon ang recording career, na kamakailan ay nagbunga ng isang mahalagang pagkilala sa industriya ng musika. Kasunod ng kanyang pagkapanalo, inilabas niya ang kanyang sumunod na single na “Tindog,” isang upbeat song tungkol sa pagbangon mula sa heartbreak at mga pagsubok sa buhay.

Ang salitang “Tindog” ay nangangahulugang “bangon” o “ahon,” at ang kanta ay pinaghalong Cebuano, Tagalog at English.



Personal naman na karanasan ang naging inspirasyon ni Debbie sa naturang awitin, partikular ang pagbitaw sa kanyang first love matapos ang 27 taon.

“It’s about moving on,” ani Debbie. “It’s based on my own experience. I had to let him go kasi sasakit lang ang dibdib ko.”

“Kapag kumakanta ako, napi-feel ko talaga yung lahat ng emotions,” dagdag pa niya.

Ayon sa singer, mas nahihilig siya sa mellow at millennial tunes. Nagbibigay din siya ng sariling input sa mga composer na nakakatrabaho niya upang mas maipakita ang kanyang personalidad at damdamin sa mga song.

Hindi rin naging madali ang kanyang paglalakbay sa music industry. Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy siyang natututo at pinipiling magpokus sa mga proyektong makatutulong sa kanyang paglago bilang recording artist.Para kay Debbie, mahalagang ibigay ang buong kakayahan sa bawat trabahong pinapasok niya.”

“You have to choose talaga what’s the best for you. Lagi naman akong all-in sa mga proyekto at trabaho ko,” aniya.

Nakatakda ring maging bahagi ng kanyang susunod na yugto sa musika ang debut album na “Radiance.”

Ayon sa mga ulat noong Setyembre, target itong ilabas bago matapos ang 2026. Nakatakda ring sundan ito ng iba pang recording projects.

Hindi lamang sa Pilipinas nakatingin ang singer dahil mayroon din siyang nakaplanong international project sa Malaysia at Singapore sa 2027. Plano rin niyang magkaroon ng concert sa parehong taon.

Bago pa man makilala sa recording industry, nakapagtrabaho na si Debbie bilang radio DJ at host. Naging bahagi rin ng kanyang artistic journey ang online performances at iba pang creative pursuits, kabilang ang cosplay.

Sa pamamagitan ng “Tindog” at ng nakaplanong “Radiance” album, nais ni Debbie na maipakita hindi lamang ang kanyang kakayahan sa pagkanta kundi pati ang mga personal na karanasang humubog sa kanya bilang isang artist.

Para sa singer, bawat hakbang at pagsubok ay bahagi ng paglalakbay na patuloy niyang tinatahak sa mundo ng OPM.

Nakatakda ring mag guest si Debbie sa concert ni Richard Reynoso para sa 40th year ng icon singer, titled RR40 sa darating na December 11 na gaganapin sa Teatrino Promenade, Greenhills.

Ang sipag ishare ni Debbie ang poster ni Richard kung saan first siyang mapapanood sa isang konsyerto.
Kamakailan naman ay naging winner ang Radiance ni Debbie sa pakontes ng Dragonfly Radio Station bilang monthly winner bilang OPM International Airplay sa Nashville, TN, USA.

“So grateful to Ms. Natalea Sharp for airing ‘Radiance’ all the way in Nashville, TN, USA on Dragonfly Radio Station! Thank you for bringing Ms. Debbie’s music to your listeners. Truly honored!,” bilang kanyang pasasalamat.

Aniya pa, “We’re going GLOBAL “Debbie Lopez , Asia’s Radiance Icon & The Song. ”

Nakaagaw pansin naman sa OPM president na si Ogie Alcasid ang mga post ni Debbie sa kanyang FB account lalo na ang poster nila ni Richard Reynoso.
Nilike ni Ogie ang post ni Debbie na ikinatuwa ng newbie singer.

“So grateful to Sir Ogie Alcasid for liking the poster for the Legendary Richard Reynoso concert!

“Thank you for noticing our journey, Sir Ogie. It means so much coming from a fellow OPM icon Celebrity.”

(Hope makapanood din kayo sa concert para makapicture po ako sa inyo) ~ Debbie Lopez)