Advertisers
Ni Anne Venancio
Inamin ni Atasha Muhlach na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend sa kabila ng mga espekulasyong iniuugnay siya sa negosyanteng si Jacob Ang.
Sa kanyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Oktubre 12, tinanong siya ng King of Talk na si Boy Abunda kung nagkaroon na siya ng boyfriend. “No, I have not,” sagot ng aktres.
Aminado si Atasha na may mga nanliligaw sa kanya, pero trabaho muna ang kanyang prayoridad.
Ibinahagi rin niya ang payo ng kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales tungkol sa pagpili ng makakasintahan. Aniya, mahalagang mabait ang isang tao at may mabuting puso.