Advertisers

Advertisers

Appointees ni ex-Sec. Rodriguez sa Malacañang sisibakin

0 258

Advertisers

NAKATAKDA umanong sibakin lahat ng mga natitirang appointee ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa Malacañang.

Mangyayari ito anumang oras ngayong linggo.

Ayon sa report ng Politiko, maliban sa mga itinalagang opisyal ni Rodriguez, kasamang wawalisin ang mga appointee sa Office of the President ng nagdaang Duterte administration.



Gayunpaman, saad pa ng source sa ulat, ang mga opisyal na napatunayan na ang kanilang kakayahan ay ligtas sa sibakan.

Binigyan na umano ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga opisyal na itinalaga ni Rodriguez ng hanggang Disyembre 2022 upang magbitiw, ngunit may ilan umanong kumapit pa rin sa kanilang puwesto.