Advertisers

Advertisers

PH magpapadala ng 905 athletes sa Cambodia SEAG

0 190

Advertisers

ANG Pilipinas ay magpapadala ng kabuuang 1,233 delegasyon sa parating na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia na magsisimula sa Mayo 5 hanggang 17 ngayon taon.

Pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president, Representative Abraham “Bambol” Tolentino pagkatapos ng General Assembly sa East Ocean Garden Restaurant sa Pasay City Miyerkules.

Inaprobahan rin ng General Assembly ang suspension ng Philippine Swimming Inc. (PSI) na regular member. Walang tumutol.



“I’m confident these are all fighting athletes,” Wika ni Tolentino sa pahayag na inilabas Huwebes. “They will be competing in all the events despite the odds.”

Itatanghal sa Cambodia ang 608-event, 38-sport sa kanilang unang hosting pero may nakakaibang rules, lalong-lalo na sa combat sports maliban sa host, na ang ibang bansa ay hindi puwedeng mag-field ng full teams sa ilang events.

Sasalihan ng Filipino athletes ang lahat ng sports sa Cambodia.

Ang team philippines ay nalampasan ang 656 athletes na sumabak sa 38 sports sa nakaraang 31st SEA Games sa Vietnam kung saan ang bansa ay nagtapos fourth na may 226-52 gold,70 silver at 104 bronze — medals.

Ang team patungong Cambodia ay kapantay ng 2019 Philippine hosting kung saan 1,119 Filipino athletes ang sumabak sa 56 events.



Itinakda ng POC ang pormal sendoff ceremony para sa Team Philippines sa Abril 15 sa Philippine International Convention Center.