Advertisers
Nasawi ang isang vulcanizer nang masobrahan sa hangin at sumabog ang gulong na inaayos sa isang talyer sa Tuao, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Romnick Bugar.
Ayon sa ulat, isang metro ang layo ng biktima mula sa gulong na kaniyang nilalagyan ng hangin gamit ang compressor.
Sinabi ni Police Major Jhun Jhun Balisi, hepe ng Tuao Police Station, na nagkaroon ng kapabayaan ang biktima kaya nangyari ang insidente na kaniyang ikinamatay.
“Habang pinapalagyan ng hangin gamit ang compressor, iniwanan niya yung gulong na pinapalagyan ng niya ng hangin at may ginagawa na iba pa. Hindi niya namalayan na nasobrahan ng hangin yung gulong, ‘yon ang cause ng pagsabog ng gulong,” paliwanag ng opisyal.