Advertisers

Advertisers

3 sugar importer maaaring makakuha ng bilyun-bilyong ‘super profit’ mula sa sugar importation – Sen. Hontiveros

0 103

Advertisers

IBINUNYAG ni Senador Risa Hontiveros na tatlong sugar importer ang maaring makakuha ng hindi bababa sa P7 bilyong “super profit’ sa pamama-gitan ng pagbebenta ng asukal na umano’y garapalan ang pagpapatubo.

Pinamumunuan ang tatlong negosyante ng kumpanyang All Asian kung saan ang wholesale price nito ay aabot sa P85 kada kilo.

“All Asian, according to my sources, initially quoted a wholesale price of P85 per kilo. Why is this price so appalling?” pahayag ni Hontiveros sa press conference sa Senado.



“You can actually buy refined sugar wholesale for P25 per kilo in Thailand. Kung matino kang impor-ter, you know that you would already get a decent profit if you sell sugar at P61, bayad na doon ang warehousing, duties, hand-ling, at may maayos ka na na profit of P8 per kilo per industry standard at a wholesale price point of P61 [covering the warehousing, duties, handling and you’ll have an P8 per kilo profit per industry standard at a wholesale price point of P61],” punto ng senadora.

Ipinaliwanag pa ni Hontiveros na kung i-multiply sa 440,000 metriko tonelada ng asukal na inilaan sa kanila, makakakuha ang tatlong trader ng P10.5 bilyon.
Batay sa kalkulasyon ng senadora, posible pa aniyang mas mataas pa sa P14 bilyon ang kikitain kung isasama nila ang P8 na karaniwang tubo kada kilo bukod pa sa sinasabing “super profit.”

“Selling it at 85 pesos is nothing short of outrageous. Parang tumama ka ng 50 times sa super lotto ng hindi ka man lang tumataya [It’s like winning the super lotto 50 times over even without betting],” banggit pa niya.

Gayunman, sinabi ni Hontiveros na pumayag ang tatlong trader na magbenta ng asukal na mas mababa sa P80.

Hindi pa rin umano bababa sa P7 bilyon ang maku-kuha ng mga negosyante kung ibebenta ang asukal sa halagang P77 kada kilo.



Sa nasabing press conference, ipinakita ng senadora ang larawan ng tatlong sugar importers kasama sina Pangulong Bongbong Marcos at Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Tinanong din ni Hontiveros kung normal bang nasa Palasyo ang sugar importers at kung namamanipula ba si Pangulong Marcos ni Panganiban na dapat sana ay iniimbestigahan at sinuspinde dahil sa pag-import ng asukal kahit walang sugar order mula sa Sugar Regulatory Administration.

“Ang responsableng maitanong ay sila ba ay idinala diyan ni USec. Panganiban dahil sila yung pinili nila ni Usec. na favored di umanong most capable na importers kaya’t natanong ko kung normal ba na dalhin ang mga sugar importers sa Malacanang. But actually pwedeng itanong, kailan ba kinuha itong photo na ito dun sa iba’t ibang steps ng importasyon na nagkalabo-labo dito sa sugar smuggling fiasco. Kailan kinuha itong photo? Before or after na pinili ni Usec. itong tatlong pinaka-’capable’? Bakit siya nandiyan? Bakit sila nandiyan? Yun yung reasonable questions looking at this photo,” usisa pa ni Hontiveros. (Mylene Alfonso)