Advertisers
PINABULAANAN ni Senador Imee Marcos ang kumalat na tsismis na ang kanyang ina, si dating First Lady Imelda Marcos, ay pumanaw na, sinabing ang nagkalat nito ay “bad.”
“Last week pa yan,” sabi ni Imee sa reporters sa text message, patungkol sa tsismis na pumanaw na ang kanyang ina.
“Ang bad ng nagkakalat,” dagdag nito.
Si Imelda, 93 anyos, ay naging isa sa trending topics sa Twitter nationwide nitong Huwebes nang kumalat ang tsismis tungkol sa kanyang ina na parang wildfire. Ang kanyang pamangkin, Eliza Romualdez-Valtos, ay pinasinungalingan din na pumanaw na ang dating First Lady.
“Still Strong and Kicking! [heart emoji] [smiley with hearts emoji] #notofakenews #imelda #firstlady #matriarch,” post ni Romualdez-Valtos sa Facebook, kasama ang larawan ni Imelda noong kabataan nito.