Advertisers

Advertisers

Call center agent lumundag sa 3rd flr. ng bahay, lasog!

0 159

Advertisers

NAGPATIWAKAL ang 22 anyos na call center agent sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 3rd floor ng kanilang bahay sa Navotas City, Sabado ng hapon.

Sa report kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Brgy. San Rafael Village ng lungsod.

Sa imbestigasyon, nasa loob ng silid ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang bigla na lamang lumabas at nagmadaling nagtungo sa ikatlong palapag ng kanilang bahay.



Sinundan ang biktima ng kanyang kapatid at pagdating sa ikatlong palapag nakita nito ang biktima na tumalon na naging dahilan upang agad siyang humingi ng tulong sa kanilang barangay.

Isinugod ang dalaga ng kanyang mga kaanak sa Tondo Medical Center subali’t binawiin din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Lumagda naman sa isang waiver ang pamilya ng biktima na hindi na ipagpatuloy pa ng pulisya ang imbestigasyon at autopsiya sa bangkay.

Napag-alaman pa na dumaranas umano ng depresyon ang biktima. (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">