Advertisers

Advertisers

Nene nag-dive sa Breakwater, patay

0 172

Advertisers

Wala nang buhay nang matagpuan ang 13 anyos na estudyante nang mag-dive sa Breakwater Happyland sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Kyshia Nicole Malbas y Balanquit, nakatira sa NS 37 C2 Capulong St , Brgy.108 Tondo, Maynila.

Base sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Kian, habang nagsu-swimming sila sa breakwater ng Happyland biglang nalunod ang kanyang nakababatang kapatid.



Agad umano siyang umuwi sa kanilang bahay para humingi ng tulong kung saan agad namang sumaklolo ang kaniyang tiyuhin upang sagipin ang biktima.

Naisugod pa sa Tondo Medical Center ang biktima ngunit idineklarang death on arrival.(Jocelyn Domenden)