Advertisers

Advertisers

DILG MAY HAWAK NA MATIBAY NA EBIDENSYA VS MASTERMIND SA DEGAMO KILLING

0 153

Advertisers

IGINIIT ni Special Investigation Task Force Degamo chairperson at DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. na mayroon silang hawak na matibay na ebidensya laban sa mga salarin at mastermind sa pamamaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi ito ni Abalos kasunod ng mga alegasyon ni Negros Oriental 3rd district representative Arnolfo Teves Jr. na “scripted” ang nangyayari ngayon na may kaugnayan sa pagkamatay kay Degamo upang idiin siya nasabing kaso.

Giit ng kalihim, paghahanap sa utak sa likod ng pamamaslang kay Degamo ang sentro ngayon ng kanilang imbestigasyon at wala pa aniya silang pinapangalang mastermind ukol dito.



Ngayon, kung ano aniya ang iniisip ni Cong. Teves hinggil sa mga iniisip nitong padidiin umano sa kaniyang pangalan sa kasong ito ay nasa sa kaniya na raw ito, basta ang malinaw ay hinahanap aniya nila ang mastermind sa krimen na ito.

Matatandaang, una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na wala silang binabanggit na anumang pagkakakilanlan sa kasong pagpatay kay Degamo.

Habang binigyang-diin naman ni Sec. Abalos na sila ay nananatiling propesyonal sa pagsasagawa ng im-bestigasyon sa kasong ito.