Advertisers

Advertisers

Artist scketch ng killer ng hepe ng pulisya sa Bulacan inilabas

0 174

Advertisers

Inilabas na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang composite sketch ng salarin na nasa likod ng pagpatay sa hepe ng San Miguel Police Lt. Col Marlon Serna.

Base sa nasabing composite sketch, isang 35 taong gulang pataas na lalake ang salarin, nasa 5’3 hanggang 5’4 ang height, dark brown ang kulay ng balat at medium built ang pangangatawan.

Sa hiwalay na imbestigasyon ng CIDG bago ang pamamaril sa opisyal nagkaroon umano ng hot pursuit ang grupo ni Serna, laban sa riding in tandem na lulan ng Mio Motorcycle na sangkot sa Robbery sa Brgy. San Juan, 10:00 ng gabi noong Marso 25 2023 na nakarating sa madilim na bahagi ng Brgy, Bohol na Mangga sa bayan ng San Ildefonso.



Ayon kay CIDG chief P/Maj. Dan August Masangkay, na buo ang loob ng salarin dahil umubos ito ng 12 bala ng cal.40 base na rin sa na recovered na empty shell ng mga tauhan ng Since of the Crime Operatives (SOCO).

Nabatid na hindi rin umano nakaganti ng putok ang mga kasamang pulis ni Serna, sa oras ng bakbakan, na unang nasapol ng bala ang opisyal, kung saan nadamay ang striker nito na si alyas Jay-jay.

Samantala, nagpapatuloy ang manhunt operation ng mga pulis laban sa riding in tandem sa bahagi ng Brgy. Akle, San Ildefonso, nang ipag-utos ni PRO3 Director PBGen Jose Hidalgo Jr.

Kaugnay nito umabot na sa P1.2 milyon ang inilaang pabuya sa makapagtuturo sa salarin.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">