Advertisers

Advertisers

1.2M pasahero dadagsa sa PITX sa Semana Santa

0 173

Advertisers

INAASAHANG dadagsa ang nasa 1.2 million mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa biyahe patungo at mula sa mga probinsiya para sa Semana Santa ngayong taon.

Pahayag ng pamunuan ng PITX, habang maaga pa lamang ay naghahanda na sila para sa influx ng mga pasahero na inaasahang mararamdaman na sa araw ng Biyernes, Marso 31.

Ilang biyahe ng mga bus sa naturang terminal patungo sa Bicol at Visayas ang fully booked na para sa Holy week subalit inaasahan naman na magdedeploy ng karagdagang units kung kakailanganin.



Pinapayuhan naman ang mga mananakay na mag-walk-in na lamang para ma-accommodate sa mga karagdagang units na idedeploy.

Una nang nag-isyu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits sa 22 units para sa karagdagang biyahe patungong Bicol.

Magpapakalat din ng personnel ang LTFRB sa PITX sa holy week rush para magbigay ng special permits para sa karagdagang bus units sakaling kailanganin.