Advertisers

Advertisers

Mga negosyanteng sangkot sa Pharmally dapat panagutin

0 234

Advertisers

HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros na panagutin ang mga pribadong indibidwal na nasa likod ng Pharmally scam kung saan P11.5 bilyon na pondo ng gobyerno ang nalustay dahil sa ma-anomalyang transaksyon at sabwatan sa pagitan ng nakaraang administrasyon at ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa simula ng pandemya.

Ito ay matapos na simulan ng Ombudsman na aksyunan ang mga nakasampang kaso at Blue Ribbon Committe Report laban sa mga opisyal ng DOH, PS-DBM at mga pribadong indibidwal na sangkot sa nasabing Pharmally scam.

Nabatid na 33 na mga opisyal mula sa gobyerno ang pinatawan ng 60 day suspension ng Ombudsman para ‘di nito mamaniubra ang masusing imbestigasyon na isasagawa.



Kasama naman sa mga pribadong indibidwal na sangkot sa Pharmally scam at iimbestigahan ay si Linconn Ong, Michael Yang, magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani, Krizle Grace Mago, Lloyd Christopher Lao, Huang Tzu Yen at mag asawang Lin Wei Xiong at Rose Nono Lin.

Si Rose Nono Lin, isa sa mga talong kandidato pang kongreso sa Quezon City, ay inirekomenda din kasuhan ng perjury o pagsisinungaling matapos nitong itanggi sa Senado na may kinalaman siya at kanyang asawa na si Lin Wei Xiong sa Pharmally.

Lumabas sa imbestigasyon ng Senado na si Lin Wei Xiong ay hindi lang business partner ni Michael Yang, kung hindi Finance Manager pa ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Nabunyag din na halos sa lahat ng kumpanya ni Michael Yang ay opisyal si Rose Lin at mga kamag anak niya.

Matatandaang mula nang lumabas ito sa Senado, nagtago si Rose Nono Lin upang umiwas sa imbestigasyon at maaresto.



Ang mga ito ay una nang sinampahan ng kasong Plunder sa Ombudsman ng Samahang Progresibong Kabataan na inirikomenda ang pagsampa ng plunder o malawak na pandarambong sa Sandigan Bayan.

Ito ay sinegundahan din ni dating Senador Richard Gordon na sinabing pwedeng maglunsad ng moto propio investigation ang Ombudsman laban sa mga pribadong indibidwal na sangkot sa Pharmally scam upang mapanagot, masampahan ng kasong criminal at makulong.

Ayon pa kay Senadora Hontiveros, ang utos ng Ombudsman ay magandang panimula, ngunit dapat mapanagot ang mga mastermind na nagpakana ng isa sa pinaka malaking scam laban sa Gobyerno.