Advertisers

Advertisers

Kasambahay, inatado ng taong gala

0 124

Advertisers

Pinagtataga ang 18 anyos na kasambahay ng isang ‘di kilalang lalaki na armado ng gulok at gumagala sa daan sa Purok-4, Brgy. Usab, Masbate City, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Cherryl Gigante Aquino, may-asawa at residente ng naturang barangay.
Hindi naman nakilala ang salarin na mabilis nakatakas makaraan ang pananaga sa biktima.

Sa ulat, 6:00 ng gabi habang naglalakad ang biktima nang lapitan ng hindi nakilalang salarin na may bitbit na itak.



Sa hindi malamang dahilan, walang kaabug-abog na pinagtataga ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na duguang humandusay.