Advertisers

Advertisers

10 suspect sa Degamo slay, isasailalim sa inquest

0 148

Advertisers

Inaasahang isasailim ngayong linggo sa inquest proceeding ang 10 suspek sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo noon Marso 4.

Kasabay ng pagbisita ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Convention of the Prosecutor’s League of the Philippines, ibinunyag ng kalihim na nananatiling persons of interest si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves sa Degamo assassination.

Ayon sa opisyal, inaasahan ang pagsasampa ng kaso kay Teves kapag napatunayan sa korte na may kinalaman ito sa krimen, pero mangyayari lang ‘di umano ito kung magpapakita na si Rep. Teves para sa imbestigasyon.



Nilinaw ni Remulla na hindi pugante si Rep. Teves, ito’y kahit na nauugnay ang pangalan nito sa krimen. Ang blue notice umano na ni-request nila sa interpol upang makakolekta ng karagdagang impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan at lokasyon ng isang tao o kaya ang bawat galaw nito para sa criminal investigation.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang makakolekta ng mabigat na ebidensya mula sa testimonies ng mga suspek na kasalukuyang nasa kostudiya ng otoridad.