Advertisers

Advertisers

PBBM inutusan ang CHED tugunan ang kakulangan ng nurse sa migrasyon

0 153

Advertisers

BINIGYAN ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Commission on Higher Education (CHED) na agad na tugunan ang kakulangan ng mga nurse dahil sa migrasyon, na nakaaapekto sa paghahatid ng epektibong pangangalagang pangkalusugan sa bansa.

“Kailangan nating maging matalino sa healthcare manpower. Our nurses are the best, buong mundo na ang kalaban natin dito,” sabi ng Pangulo sa pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Healthcare Sector group sa Malacanang Palace Miyerkules.

“Lahat ng nakakausap kong President, Prime Minister, ang hinihingi is more nurses from the Philippines,” the President pointed out as he asked CHED for concrete steps to keep Filipino nurses working in the country.



Kaugnay nito bilang tugon sa Pangulo, sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera III na nagsasagawa na ito ng mga interbensyon upang matugunan ang kakulangan ng mga nars, na kinabibilangan ng retooling board non-passers, adopting nursing curriculum with exit credentials, redirecting non-practicing nurses at pagsasagawa ng exchange programs kasama ng ibang bansa.

“Sa ilalim ng nursing curriculum na may exit credentials, ang mga estudyante ay maaaring magkaroon ng ilang opsyon: exit sa dulo ng Level I o II, kumuha ng certificate o diploma sa Nursing, o piliin na ipagpatuloy at tapusin ang apat na taong nursing program para maging isang rehistradong nars ,” iniulat ni De Vera sa grupong PSAC Health Sector.

Samantala, sinabi ni De Vera na gumagawa din ang CHED ng isang flexible short-term masteral program para matugunan ang kakulangan ng mga instructor sa nursing at medical schools.

Kaugnhay nito ang Department of Health (DOH), ayon kay Officer-in-Charge Undersecretary Rosario Vergeire, ay tinatasa din ang status ng panukalang batas sa Magna Carta for Public Health Care Workers at Philippine Nursing Act habang gumagawa ng pag-aaral sa standardization ng suweldo ng mga nars, doktor at manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.

Napagkasunduan din sa pagpupulong na susubaybayan ng PSAC ang mga bagong teknolohiya sa pangangalagang pangkalusugan na magagamit para sa mga geographically isolated at disadvantaged na lugar at irerekomenda iyon sa DOH at PhilHealth.



Pag-aaralan din ng PSAC ang pagiging posible ng pagtatatag ng mga remote diagnostics center at pagtatasa ng mga bagong teknolohiyang medikal at ang mga gastos nito.(Boy Celario)