Advertisers

Advertisers

Pekeng pulis, huli sa Makati

0 200

Advertisers

Arestado ang 23 anyos na Information Technology (IT) pro­fessional nang magpakilalang pulis sa traffic enforcer, para mapabilis ang release ng na-impound na motorsiklo, sa Parañaque City, Miyerkules ng hapon.

Sa mismong tanggapan ng Parañaque Traffic Management Office inaresto ang suspek na si Lowell Ace Dalnay ng Parañaque Police City Substation 5.

Sa ulat, sa pagnanais na makuha agad ang na-impound na motorsiklo nagpakilalang pulis sa hepe ng Parañaque Traffic Management Office na si Reynaldo Murillo,



Dahil sa nakalilito umanong claim ng suspek na nagsabi pang ahente siya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), humingi na ng police assistance si Murillo.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at matapos ang beripikasyon, natuklasan na hindi miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang suspek.

Nahaharap na ang suspek sa reklamong pag­labag sa Art. 177 (Usurpation of Authority or Official Functions) at nakapiit na sa kasalukuyan.