Advertisers

Advertisers

Kabit ni misis kinatay ni mister

0 169

Advertisers

Inaresto ang 30 anyos na factory worker nang mapatay ang isang magsasaka na hinihinalang kabit ng kaniyang misis sa Purok 3, Barangay Malabanan Sur, Quezon, noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Allan D. Matutina.

Sa ulat, minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo pauwi sa bahay 10:30 ng gabi nang harangin ng salarin na si Christian Cabalquinto Selga ang kaniyang dinadaanan.



Sinaksak si Matutina ni Selga ng dalawang beses sa dibdib gamit ang isang kitchen knife.

Nakatakas si Selga ngunit nakorner siya ng mga rumespondeng pulis. Dinala si Matutina sa ospital ngunit binawian ito ng buhay.

Positibong kinilala ang salarin ng isang saksi na siyang pumatay kay Matutina.

Narekober ng pulisya ang patalim na ginamit ni Selga sa pagpatay.

Lumalabas din sa imbestigasyon na nagkaroon umano ng relasyon ang asawa ni Selga at si Matutina.



Sasampahan ng kasong murder si Selga na nasa custodial facility ngayon ng Candelaria police.