Advertisers
NADAKIP na ang itinurong “recruiter” ng mga dating sundalo na pumaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ito’y nakilalang si Marvin Miranda, na tinitiktikan ng government forces habang tumatakas sa aresto.
Ayon sa ulat, nadakip si Miranda sa Panay Island.
Itinuro si Miranda ng mga salarin bilang kanilang “boss”. Ito rin daw ang nagbigay sa kanila ng mga armas para sa assassination kay Degamo.
Sinabi pa ng sa mga suspek, si Miranda ang naging tulay para makilala ng mga “hit man” ang suspendidong Negros Oriental 3rd district representative na si Arnie Teves.
May criminal record na rin si Miranda na dati naring naaresto dahil sa possession of illegal firearms.
Noong 2020, natunugan na ni Degamo ang assassination plot sa kanya kungsaan nahuli nga noon si Miranda na may dalang mga baril at bala.
Isang Army reservist si Miranda na residente rin ng Negros Oriental.