Advertisers
WALA nang buhay ang mag-asawang senior citizens, kungsaan sinasabing ginahasa pa ang babae, nang matagpuan sa kanilang bahay sa Davao city.
Sa report, 4:00 ng hapon nang natagpuang ng isang saksi na wala nang buhay ang mag-asawa na kinilalang sina Evelinda, 60 anyos; at Modesto Gumapac, 66, ng Purok Durian, Brgy. Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur.
Nadatnan ng pulisya si Modesto na nakahandusay sa kama sa loob ng bahay, habang ang misis nito ay naliligo sa sariling dugo sa labas ng bahay, nakadaob at walang saplot pang- ibaba, pinaniniwalaang ginahasa ito ng salarin.
Ayon kay Police Captain Orlando Udalve, pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa krimen dahil bago lang nagbenta ng kopra ang mag- asawa. Natagpuan sa crime scene ang nagkalat na mga hinalungkat na gamit ng mga biktima.
Nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng pulisya laban sa salarin
Nakalagak sa Brillantes Funeral Homes sa R Delos CIentos ST., Poblacion Uno, Bansalan ang bangkay ng mga biktima.