Advertisers

Advertisers

Andrew Gan apektado ng pandemic ang business at showbiz career

0 518

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AMINADO ang Kapuso actor na si Andrew Gan na malaki ang apekto sa kanya ng pandemic, both sa kanyang showbiz career at pati na negosyo.

May mga project siya na naantala ang taping at shooting dahil sa pandemic. Pati ang business niya ay nasagasaan dahil kabubukas pa lang ng kanyang Releaf Massage and Nail Spa nang nagkaroon ng Covid19.



Pahayag ni Andrew, “Hindi maganda ‘yung epekto, na-depress ako and patay din ang negosyo. Kaya gumagawa ako ng ibang way-bilang culinary graduate ako, ginagamit ko siya ngayon sa food business para may extra-income.

“Kasi continuous pa rin ang rental fee sa kapupundar lang na spa business, eh. Masakit na sa bulsa, hehehe.”

Ngayon ay pilit na bumabangon paunti-unti si Andrew, sa epekto ng pandemic.

“About two weeks pa lang po nag-open ulit ‘yung spa. Pero matumal pa ang client dahil sa pandemic. Kaya sana matapos na ito, ang hirap po ng buhay,” saad niya.

At dahil isa siyang culinary graduate, nagbukas din si Andrew ng Kusina Express by Drew. Sa mga gustong mag-order, i-check lang ang kanyang FB page.



“Then, yung Kusina Express by Drew, about one month pa lang po… for delivery lang po, sa online lang po ang orders,” wika pa ni Andrew.

Ano ang specialty nito? “Iyong Cremoso Beef Kaldereta tito at mayroon ding iba pa like sinigang. Ang kaibahan po nito? May twist. Hehehe!”

Bago sumagasa ang pandemic, ang huling project ni Andrew ay ang Mga Batang Poz, isang digital series ukol sa Filipino teenagers with human immunodeficiency virus (HIV) at Kadenang Ginto ng ABS-CBN.

Si Andrew ay bahagi ng forthcoming movie na Crazy In Love With You starring Claire Ruiz, Miko Raval, Mike Lloren, Ariella Arida, Tanya Gomez, Coleen Perez, John Arcenas, at iba pa.

Ang pelikula ay pamamahalaan ni Edward James (EJ) Salcedo, line producer si Mike Lloren, at isinulat mismo ng executive producer nitong si Ms. Romina Wilcox.

Ano ang role niya sa Crazy In Love With You?

Wika ni Andrew, “Based sa script, isa sa leading man ni Claire. Bale, tatlo kami roon na mali-link sa leading lady po.”

Ayaw na munang sabihin ni Andrew ang iba pa niyang projects dahil baka raw maudlot.

“Huwag na muna tito, baka maudlot,” nakatawang saad niya. “Ang daming na-hold dahil sa pandemic na ito,” dagdag pa ni Andrew.