Advertisers
Patay ang isang mataas na lider ng New People Army (NPA) na mastermind sa pagpatay kay dating Mayor Dario Otaza ng Loreto Agusan del Sur at anak nito si Daryl sa Butuan at pagkakadakip sa isa pa sa isinagawang operation sa Cebu City.
Kinilala ang napatay na si Denis Paradero Rodinas, ng Southern Mindanao Regional Committe; habang naaresto naman ang kasamahan si Gerlie Mercado alais Tamsi/Sol.
Ayon sa ulat, 10:00 ng gabi nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng militar at Philippine National Police (PNP) sa Brgy. Pong ol Sibugsy, Cebu City, base sa ipinalabas na 5 warrant of arrest ng Branch 3, Regional Trial Court, 11th Judicial Region at Branch 56, RTC Compostella, Davao de Oro sa kasong murder.
Sa report, pinamunuan ni Rodinas ang pagdukot at pagpatay kay Mayor Otaza at anak na si Daryl nang magpanggap na mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Oct. 20, 2015.
Ang pagpatay sa isang CAA Arnold Sacares sa Brgy. Simata, Molave, Zamboanga Del Sur noong May 27, 2009 at CAA Ernesto Gumilid sa Brgy. Penacio, Clari Misamis Occidental Province noong June 15, 2009.
Pagsunog sa mga Heavy equipment ng Red Mountain (PHILSAGA Mining Corporation ) sa Agusan Del Sur noong 2011 at pag-atake sa Military Patrol Base sa Brgy. Kanidkid, Montevista, Davao de Oro.(Mark Obleada)