Advertisers

Advertisers

Miranda inakusahan agad kahit ‘di pa naisasampa ang kaso sa Degamo slay, ‘di na maghahain ng counter affidavit

0 188

Advertisers

Iginiit ng kampo ng isa sa suspek na isinasangkot at itinuturing na mastermind sa pagpatay kay  Negros Oriental Gov. Roel Degamo na hindi na sila maghahain ng counter affidavit .

Sa panayam sa Balitaan sa Tinapayan kay Atty. Reynante Orceo, abogado ni Marvin Miranda na hihintayin na lamang nila na maisampa sa korte ang anumang kaso laban sa kanilang kliyente at doon na lamang nila ito sasagutin.



Sinabi ni Atty. Orceo na sa legal na pamamaraan masasabing may mga nilabag nang arestuhin ang kanyang kliyente dahil wala itong arrest warrant.

Bukod dito, isinailalim din aniya  ng NBI si Miranda sa inquest proceedings nang hindi ipinapaalam sa kanyang kampo.

Muling sinabi ni Atty. Orceo, may ilang technicalities o hindi tama ang proseso ng pag-aresto kay Miranda kung saan hindi na rin naibigay sa kaniyang ang karapatan.

Ang mga akusasyon o ang pagkakasangkot ni Miranda sa pagpatay sa gobernador ay mariin ding itinanggi ng kaniyng kliyente.

Aniya, saka na sila gagawa ng legal na hakbang sakaling makarating na sa korte ang isasampang kaso laban kay Miranda.



Iginiit pa ni Atty. Orceo na tila nakaroon na kaagad ng “judgement” sa kanilang kliyente kahit na hindi pa naisasampa sa korte ang kaso nito.

Samantala, ngayong araw din pormal na pinakakasuhan  ng Department of Justice si Miranda .

Batay sa press briefer na inilabas ng DOJ, pinakakasuhan si Miranda ng 9 na bilang ng kasong murder, 13 na bilang ng frustrated murder at 54 na bilang ng attempted murder.

“While we welcome the progress in the case, which has been taking too long notwithstanding the legal shortcuts taken by the government, we hope that the DOJ will respect the Constitutional right of Marvin Miranda, and everyone who will be charged, of being represented by counsel of their own choice” , ayon naman kay Atty. Orceo na dating  DOJ undersecretary.