Advertisers

Advertisers

Estudyante huli sa dalang granada sa iskul

0 197

Advertisers

ARESTADO ang Grade 10 student nang magdala ng granada at marijuana sa loob ng paaralan sa Talisay City, Negros Occidental.

Ayon sa Department of Education (DepEd) regional office Nasa kustodiya na ito ng pulisya ang suspek nitong Miyerkoles.

Sinabi ng DepEd Division of Negros Occidental na inaresto ang estudyante na si Bronson Lucas Lacson at iniimbestigahan na ito sa Talisay City Police Station.



Nakuha sa pag-iingat ni Lacson ang isang granada, gayunin ang marijuana at iba pang drug paraphernalia sa Rafael B. Lacson Memorial High School.

Sinabi na isang pedicab driver ang nagsumbong sa barangay nang takutin siya ng estudyante ng dala nitong granada.

Tinanggihan umano niyang isakay ang suspek at doon inilabas nito ang granada mula sa bag.

Nabatid na nang dumating ang mga pulis sa eskuwelahan agad natunton ang estudyante, nang kapkapan, nakita sa bag nito ang marijuana at ilang paraphernalia.

Nakita ang granada sa loob ng underwear nito nang kapkapan ng mga pulis.



Mahigpit din kinondena ng Department of Education-Schools Division ng Negros Occidental ang insidente.